Limot ba dapat ang lahat
ng nagsilbing buhay
Wala nang pag-irog buhat
nang ako ay tumunghay
Pilit inabot ang inakalang
tala sa langit
Sa sarili ay para bang
naubusan na ng bait
Sa paghuni ng mekanismong
nagsilbing taga-ugnay
Inangkin ang buhay mismong
di naman taglay
Pilit na ikukubli ang bait
na dati ay sa sarili
Itatapon na ang langit
na ninais sa huli
Kaluluwang patay sa loob
ng katawang buhay
Paano nga ba itataob
isipang hindi tunay
Pipi na lamang ako
sa harap nilang tao
Walang sagot na totoo
buhay di kontrolado
Mga matang manhid na
luha ay ubos
Sige lang! Hithit pa
nang matira ay upos
Buhay kong di na akin
akala ko ay lubos
Ngunit kailangan aminin
ang sarili ay ubos
kem
5 February 2011