ngiti ang bumabalot sa mukha. sigla ang ibinibigay ng huwad na kasiyahan.
ang tunay na mukha at damdamin, nakakubli sa ilalim ng maskara upang hindi na maungkat pa ang sugat na matagal nang naghilom ngunit nagsisimula muling dumugo.
sa makatuwid, isa lamang huwad na katotohanan ang ipinakikita sa iba. isang maskarang matagal nang itinatago ang tunay na hinagpis at hinanakit na nadarama. isang huwad na mukha na siyang nagkukubli sa mga sikretong nais na ibaon sa limot ngunit hindi magawa-gawa.
maaari ngang hibang na. maaari ngang wala nang katinuang taglay. marahil ay hindi na nanaisin pang bumalik sa dating buhay na tulad sa isang bata: walang inaalala, tunay ang saya, tapat ang mukha sa ipinapakita.
ako ay totoo at huwad, isang maskara at isang tunay na mukha.siyang tunay na huwad at huwad na tunay. isang totoong manloloko at manlolokong totoo. hibang na kung hibang, basta ang alam ko, totoo ako bilang isang huwad, at itinatago ko ang pagiging tapat ko.
"does a pretender become true if he stops pretending, or is he true if he keeps on pretending?"
No comments:
Post a Comment